
Serbisyo Caravan sa Siruma: Kalusugan at Murang Bigas Hatid ng Gobyerno π©Ίπ
May 06, 2025

Ang kalusugan ng bawat Camarinense ang isa sa pinakaprayoridad ng Gobyerno Probinsyal. Kaya naman patuloy lamang ang ating paghatid ng mga programa at serbisyo na tutugon sa kanilang pangangailangang pangkalusuguan. Kabilang na rito ang araw-araw na medical at health missions na isinasagawa sa ibaβt ibang parte ng probinsya.
Kamakailan lamang, binisita natin ang bayan ng Siruma dala ang Serbisyo Caravan. Dala natin ang ating Hospital on Wheels, Eye Clinic on Wheels, Dental Clinic on Wheels, at Laboratory Diagnostic Van kung saan nakinabang ang mga residente sa medical, dental, at eye checkups, pati na rin sa mga laboratory tests. Malaking kaginhawaan dahil bukod sa libre na, hindi na nila kailangan pang lumayo o magtungo sa mga health centers upang maipatingin ang kanilang karamdaman.
Bukod pa rito, naroon rin ang Murang Bigas Program upang magbenta ng 33 kada kilo na halaga ng bigas na talagang malaking tipid sa kanilang konsumo.
Other News
Bridging the Digital Divide: Buhi & CamSur Embrace...
Jun 25, 2025A Special 66th Birthday Gift: New Wheelchair Bring...
Jun 24, 2025Strengthening Partnership: Full Support for the Ph...
Jun 24, 2025A Grateful Partnership: Big Thanks to DILG for Str...
Jun 24, 2025The Provincial Health Office of Camarines Sur brou...
Jun 23, 2025